| SFMTA home > Home na pahina > > Sa Oras Ng Emerhensiya Light Rail Vehicle (LRV) Emergency Information | |
|
TUMINGIN: Alamin ang kapaligiran sa inyong pagbibiyahe. MAKINIG: Sundin ang mga tuntunin sa oras ng emerhensiya. KUMILOS: Iulat kaagad ang mga kondisyong mapanganib. Ang mga teleponong magagamit sa emerhensiya (emergency phones) na matatagpuan sa bahagi ng subway at tunel ay nilagyan ng asul na ilaw. Kunin ang receiver at pindutin ang buton para sa diretsong linya sa Muni Central Control. Sa paglikas sa oras ng emerhensiya (emergency evacuation), tutulungan ng mga kawaning tagapagligtas (rescue personnel) ang mga pasaherong may kapansanan. Kung kailangan ang agarang paglikas, mangyari lamang na tulungan ang mga ganitong pasahero. Iwanan ang mga wheelchair sa tren. Para pahintuin ang tren sa oras ng emerhensiya, pindutin ang pulang emergency stop button, na matatagpuan sa magkabilang dulo ng tren. Kung inutos na buksan ang mga pinto sa oras ng emerhensiya, hilahin pababa ang pulang hawakan at itulak ang pinto nang patagilid (sideways). Para kausapin ang operator ng tren, pindutin at pakawalan ang pulang intercom button, hintayin na sumagot ang operator, pindutin ang buton para magsalita. MGA PAMAMARAAN NG PAGLIKAS Maghintay para sa mga tagubilin mula sa Muni o kawaning pangkaligtasan (safety personnel). Mag-ingat sa inyong paghakbang kapag bumababa ng tren. Mga opsiyon sa paglabas sa oras ng emerhensiya sa subway: • Dumaan sa mga labasan na may markang emergency exit. • Dumaan sa mga lagusan na may nakalagay na dilaw na ilaw para tumawid sa kabilang panig ng tunel • Lumakad patungo sa pinakamalapit na istasyon at lumabas. |
|
|
Copyright © 2000-2013 SFMTA. All rights reserved. Updated January 4, 2013 |
|