| SFMTA home > Home na pahina > > WETA-panukalang pagbabago sa diskuwento ng pagsakay sa Muni WETA-Muni transfer discount proposed change | |
|
Ang San Francisco Municipal Transportation Agency (SFTMA) ay nagpapanukala na bawasan ang diskuwento sa pamasahe sa pagsakay ng tao na nasa hustong gulang (adult fare transfer discount) para sa mga kustomer ng WETA na lumilipat sa Muni mula $2.00 hanggang $0.50 kada pagsakay. Ang diskuwentong ito ay katulad ng ipinagkaloob sa mga kustomer ng BART, at Golden Gate Ferry at Transit. Isasaalang-alang din ng WETA ang parehong pagbawas sa bahagi ng kanilang diskuwento na babawasan ang kabuuan mula sa $4.00 kada biyaheng balikan hanggang $1.00. Ang diskuwentong ito ay para lamang sa mga kustomer na nasa hustong gulang na nagbabayad ng cash sa buong pamasahe (adult full fare cash). Ang mga ahensiya ay nagpapanukala rin na ang diskuwentong ito ay makukuha lamang sa Clipper® na may-bisa sa Oktubre 1, 2012. Ang SFTMA ay nagtakda ng pampublikong pagdinig sa Martes, Agosto 21, 2012 sa 1nh, San Francisco City Hall, Room 400, upang talakayin ang pagbabagong ito. Mangyari lamang na tumawag sa 311 (415.701.2311 sa labas ng San Francisco) o bumisita sa www.sfmta.com/board para sa higit pang impormasyon.
|
|
|
Copyright © 2000-2013 SFMTA. All rights reserved. Updated January 4, 2013 |
|