ATTN: IB 29 blocked on Gilman btwn Hawes and Bill Walsh Way due to heavy vehicle traffic. Expect 29 to reroute via Hawes to Gilman. No 29 svc btwn Hawes and Bill Walsh Way. (More: 5 in last 48 hours)

This page has older content

Please see Projects for current projects. We are keeping this page as a record of SFMTA outreach.

Panibagong Kaalaman sa Proyektong Slow Streets noong Abril 2023 Iminumungkahing muling pag-aawtorisa sa Chenery at SoMa Slow Streets

Isasaalang-alang ng San Francisco Municipal Transportation Agency (SFMTA) Board ang muling pag-aawtorisa ng  

Chenery Street sa pagitan ng Elk Street at Diamond Street, at mga kalye ng Lapu-Lapu, Rizal, Tandang Sora, Bonifacio at Mabini sa pagitan ng Folsom Street at Harrison Street (SoMa Slow Streets) bilang bahagi ng Slow Streets Program sa pagpupulong sa Mayo 16, 2023.  

Noong nakaraan, bilang bahagi ng mga pagsusumikap SFMTA na tugunan ang COVID, itinatag ang mga Slow Street sa Chenery Street noong 2020, at sa mga kalye ng Lapu-Lapu, Rizal, Tandang Sora, Bonifacio at Mabini sa pagitan ng Folsom Street at Harrison Street (SoMa Slow Streets) noong 2021. Magtatapos ang pagtugon ng Lungsod sa COVID na mga Slow Street sa katapusan ng Taglamig 2023. 

Gayunpaman, kasunod ng pagpupulong ng Lupon ng SFMTA noong Disyembre 6, 2022, dininig ng mga kawani ng SFMTA ang suporta mula sa mga miyembro ng komunidad ng Glen Park at SoMa para sa pagpapanatili ng mga kalyeng ito bilang mga Slow Street para sa iba't ibang dahilan, kabilang ang kahalagahan ng mga espasyong pangkomunidad, at ang bisa nito sa pagpapakalma ng trapiko. Mula pa noon ay nakipagtulungan na ang mga kawani sa mga apektado sa komunidad upang bumuo ng banghay ng disenyo at mga posibleng paraan ng pagsasaaktibo ng pampublikong espasyo.  

Ang iminumungkahing Chenery at SoMa Slow Streets ay tatanggap ng mga sumusunod na pagpapabuti bilang bahagi ng mga iminumungkahing ito:  

  • Mga delineator ng Slow Streets 

  • Maglalagay ng mga permanenteng delineator sa Slow Street sa mga piling interseksyon at mga midlock na lokasyon sa Chenery Street.  

  • Ang kasalukuyang mgapansamantalang karatulang Local Traffic Only na nakalagay sa Lapu-Lapu at Harrison Street ay papalitan ng mga delineator para sa Slow Street.  

  • Mga karatula ng pantukoy at mga karatula sa pagtawid sa mga Slow Street 

  • Mga karatula sa paghanap ng daan upang kumonekta sa network ng pagbibisikletahan sa buong lungsod (sa Chenery Street lamang) 

  • Pagpapakitid ng daan para mapakalma ang trapiko (sa Chenery Street lamang) 

  • Mga marka ng Slow Streets sa bangketa na may mga kumakatawang simbolo at ang salitang ‘Slow’ ('Mabagal') 

Tingnan ang mga iminumungkahing disenyo sa Chenery Slow Street  

Tingnan ang mga iminumungkahing disenyo sa SoMa Slow Streets 

Upang malaman pa ang tungkol sa pagpupulong ng Lupon ng SFMTA sa Mayo 16, 2023, kabilang ang kung paano sumali, bumisita sa https://www.sfmta.com/calendar/board-directors-meeting-may-16-2023.  

Maaaring magsumite ng komento ang mga miyembro ng publiko bago ang pagpupulong sa MTABoard@sfmta.com o tumawag sa 415.646.4470 hanggang 5pm sa araw bago ang pagpupulong, o magbigay ng pampublikong komento sa pisikal na lokasyon ng pagpupulong na nakalista sa ibaba, sumali online sa ww.sfgovtv.org/sfmtaLIVE

Lokasyon ng pagpupulong:  

City Hall 

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, San Francisco, CA 

Room 400, Floor 4 

Remote na Pag-access sa Pagpupulong 

Panoorin ang pagpupulong ng Lupon online 

Pagtawag para sa Pampublikong Komento: 415.655.0001 Access Code: 2599 415 8803