Magkakaroon ng mas mahaba at mas ligtas na mga boarding island sa J Church. Ito ay bahagi ng aming J Church and M Ocean View Transit and Safety Improvements.
Simula pa lang sa Huwebes, Abril 2, 2026, uumpisahan nang mga tauhan ng San Francisco Public Works ang konstruksyon. Magiging mas mahaba at mas malawak ang mga bagong boarding island. Papalitan nila ang kasalukuyang mga island sa interseksyon ng San Jose at Santa Ynez avenue. Gigibain ng mga tauhan ang kasalukuyang maliliit na island doon. Gamit ang mga bagong island, ang mga sumasakay sa Muni ay hindi na hahakbang pa mula o papunta sa kalsada gamit ang mga hintuan na ito. Bukod dito, inaasahan naming makakatulong ang mga ito sa pagbagal ng bilis ng trapiko, na ginagawang mas ligtas ang pagtawid sa San Jose Avenue para sa mga tao na naglalakad
Inaasahan namin na ang konstruksyon ng bawat isalang ay magtatagal hanggang dalawang linggo. Matapos ang konstruksyon ng parehong island, inaasahan namin na ang pagpapatag ng kalsada katabi ng mga bagong island ay aabot ng isang linggo. Inaasahan namin na magaganap ang konstruksyon sa pagitan ng 7 a.m. at 6 p.m. araw-araw
Inaasahang timeline (batay sa maaaring pagbabago):
- Huwebes, Abril 2 hanggang Huwebes, Abril 16
Demolisyon at konstruksyon ng boarding island ng patimog (papalabas) na tren na malapit sa hilagang-kanlurang kanto ng San Jose at Santa Ynez avenue kasunod ng Balboa Park.
- Huwebes, Abril 16 hanggang Huwebes, Abril 30
Demolisyon at konstruksyon ng boarding island ng pahilaga (papasok) na tren na malapit sa timog-kanlurang kanto ng San Jose at Santa Ynez avenue.
- Lunes, Mayo 4 hanggang Biyernes, Mayo 8
Pagpapatag sa tabi ng parehong bagong boarding island.
Ang mga bagong boarding island na ito ay gagawing mas ligtas at mas madaling mapuntahan ang pagsakay sa J Church. Sa susunod na yugto ng konstruksyon, inaasahan naming magdagdag ng mga rampa na madadaanan ng wheelchair sa mga bagong island.
Mga epekto sa serbisyo ng Muni:
- Magpapatuloy ang operasyon ng J Church sa panahon ng konstruksyon.
- Isasara ang bawat hintuan ng tren kapag nagsimula na ang demolisyon at konstruksyon. Inaasahan naming manunumbalik ang serbisyo sa parehong hintuan sa unang bahagi ng Mayo 2026.
- Maaaring gamitin ng mga sumasakay ang mga malapit na hintuan na nasa San Jose Ave & Santa Rosa Ave (northbound/southbound) o sa San Jose Ave & Ocean Ave (northbound/southbound)
Mga epekto sa trapiko:
- Habang ginagawa ang bawat island, ang trapiko sa San Jose Avenue ay magiging limitado sa direksyong iyon. Inaasahan naming magkakaroon ng kahit isang daan na bukas sa trapiko sa lahat ng oras. Dapat na mag-ingat nang maigi ang mga driver at maging alisto sa mga manggagawang nagdidirekta ng trapiko.
- Habang ginagawa ang pahilagang island, ang mga driveway patungo sa mga tahanan sa harap mismo ng island ay mahaharangan.
- Kabilang dito ang mga tahanan mula 1965 hanggang 1975 sa San Jose Avenue.
- Inaasahang magtatagal ang konstruksyon ng humigit-kumulang sa dalawang linggo para sa island na ito.
- Kapag natapos na ang konstruksyon, muling magagamit ang mga driveway na ito. Patuloy na papayagan ang mga residente na lumiko sa kaliwa o kanan papasok o palabas sa mga driveway na ito. Para magawa ito, maaari silang magmaneho patawid sa boarding island.
Mga epekto sa pagparada ng sasakyan:
- Walang espasyo sa paradahan ang permanenteng aalisin.
- Ang mga pansamantalang epekto sa pagparada ng sasakyan sa panahon ng konstruksyon ay posible. Abangan ang mga babala sa panahon ng konstruksyon.
Mga epekto ng ingay:
- Maaaring magkaroon ng ingay sa panahon ng sandaling paghuhukay.
Inaasahan naming magpapatupad ng higit pang mga pagpapabuti sa huling bahagi ng taon na ito. Bahagi rin ang mga ito ng J Church and M Ocean View Transit and Safety Improvements.
Para manatiling napapanahon, mag-sign up para sa mga update ng proyekto