FINAL UPDATE: Delay at Market and 2nd has cleared. IB/OB #FMarket resuming regular service. (More: 13 in last 48 hours)

Pag-byahe Galing o Patungo sa Chinatown Habang May APEC

November 13-20

Maraming pamamaraan upang makarating sa pagpupulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) patungo o galing sa Chinatown. Karamihan sa mga ruta ng MUNI ay tatakbo tulad ng normal sa kabuan ng lungsod. Ang iba ay magbabago ng ruta, ngunit karamihan ay patuloy na magkakaroon ng koneksyon sa Chinatown patungo sa timog, tulad ng Caltrain at UCSF/Mission Bay. 

Karamihan din sa mga ruta ng Muni ay magseserbisyo sa SoMa.  Ang mga residente na malapit sa Yerba Buena/Moscone Center ay maaari ring sundin ito upang makarating sa norte patungong Chinatown papuntang timog patungong Caltrain, UCSF/Mission Bay at iba pang lugar sa timog. 

Ito ang ilan sa pamamaraan para sa mga pasahero ng Muni: 

Mga Byahe Sa Norte Tungo Sa Chinatown 

 8BX Bayshore Express Inbound – araw-araw mula 6 a.m. hanggan 9 a.m.   

  • Sumakay ng 8BX Bayshore Express inbound sa Bryant Street sa pagitan ng 4th Street hanggang 6th Street.    
  • Maari ring sumakay sa kahabaan ng 2nd Street sa pagitan ng Market Street at Harrison Street.  
  • Oras na makarating ang bus sa Kearny Street at Market Street, ito ay tatakbo tulad ng dati nitong ruta.  

12 Folsom-Pacific Inbound – araw-araw mula 6 a.m. hanggang 10 p.m.   

  • Sumakay ng 12 Folsom-Pacific inbound sa Bryant Street mula 4th Street hanggang 8th Street.  
  • Bumaba ng bus sa kahabaan ng Pacific Street at Grant Street, Stockton Street o Powell streets.  

15 Bayview Hunters Point Express Inbound Upang Lumipat Sa 30 Stockton, 45 Union-Stockton, o 8 Bayshore   

  • Sumakay ng 15 Bayview Hunters Point Express inbound patungong downtown.   
  • Bumaba sa Market Street at 2nd Street.   
  • Maglakad patungong west ng mahigit sa isang bloke patungong Kearny Street at Greary Street.   
  • Kunin ang 30 Stockton, 45 Union-Stock o 8 Bayshore patungong Chinatown.    

T Third Bus Outbound – Sabado at Linggo lamang mula 6 a.m. hanggang mga 8 a.m.  

  • Sumakay ng T Third sa kahabaan ng 2nd Street para makarating ng direkto sa Chinatown. 

Mga Byahe Sa Timog Galing sa Chinatown Patungong UCSF/Mission Bay 

8 Bayshore o 8AX/8BX Bayshore Express Outbound 

  • Sumakay sa Stockton Street pa Market at lumipat sa KT Ingleside-Third putungong Sunnydale at Powell Station 
  • Lumipat sa 31 Balboa na nasa at Cyril Magnin (5th Street) at Market Street 

30 Stockton o 45 Union-Stockton Inbound Patungong Market Street 

  • Lumipat sa KT Ingleside-Third patungong Sunnydale at Powell Station 
  • Lumipat sa 15 Bayview Hunters Point Express at 2nd street sa pagitan ng Market Street at Mission Street 
  • Lumipat sa 31 Balboa na nasa at Cyril Magnin (5th Street) at Market Street 

S Shuttle Metro Mula Chinatown-Rose Pak Station pa 31 Balboa at sa pansamantalang KT Ingleside-Third 

  • Sumakay ng S Shuttle Southbound papuntang Union Square/Market Street Station, lumabas sa Union Square/Market Street Station at lumipat sa 31 Balboa na nasa Cyril Magnin & Market Street 
  • Lumipat sa KT Ingleside-Third at Powell Station