ito pangyayari ay nasa nakaraan

Mangyaring tingnan ang Kalendaryo para sa mga darating na pagpupulong at kaganapan. Pinapanatili namin ang pahinang ito bilang isang pampublikong tala.

Programa sa Akses at Kaligtasan ng Golden Gate Park: Virtual Session para sa Impormasyon

Ibahagi ito:
Sep 30

Magkasamang inilunsad na ng San Francisco Recreation and Park Department (RPD) at SFMTA ang Programa sa Akses at Kaligtasan ng Golden Gate Park, isang pagsusumikap upang matukoy ang kinabukasan ng mga priyoridad na ruta para sa bisikleta at mga naglalakad sa Golden Gate Park. Noong 2020, nang ang pandemya ay nagdulot ng pangangailangan ng maraming mga opsyon para sa pagbibisikleta, paglalakad, at paglilibang sa labas nang may ligtas na distansiya, ang RPD at SFMTA ay nagtatag ng isang cross-park na ruta para sa pagbibisikleta at para sa paglalakad, nang may limitadong mga akses ang sasakyan.  

Habang ang siyudad ay kumikilos palabas sa emerhensiya ng pandemya, ang RPD at SFMTA ay nagtutulungan sa isang panukala para sa kinabukasan ng cross-park na ruta na isusumite sa Lupon ng mga Superbisor bago magtapos ang 2021. Ang panukala ay inalam sa pamamagitan ng teknikal na pagsusuri kasama ng input ng publiko.   

 Samahan ang RPD at SFMTA sa virtual session na ito para sa impormasyon upang matutunan ang tungkol sa mga posibleng opsyon ukol sa mga ruta para sa pagbibisikleta at paglalakad pagkatapos ng pandemya, at upang makapagbigay ng komento patungkol sa kinabukasan ng parke.

Ang sesyon para sa impormasyon ay bubuuin ng isang presentasyon ng staff ng SFMTA, na susundan ng isang Q&A/sesyon sa pagbibigay ng komento. Dagdag pa rito, matitingnan ng mga dadalo ang mga detalye ng mga posibleng opsyon para sa parke at makapagbibigay ng komento sa isang interactive na online StoryMap. Ang naturang StoryMap ay mananatiling bukas hanggang Nobyembre 25. 

Isang karagdagang virtual session para sa impormasyon ang isasagawa sa:

Oktubre 3, 10 a.m hanggang 12 p.m. 

Para sa karagdagang impormasyon at upang mabisita ang StoryMap, bisitahin ang pahina ng proyekto ng Programa sa Akses at Kaligtasan ng Golden Gate Park.


Agenda ng Pampublikong Pagpupulong: 

  • Pagpapakilala ng Pangkat ng Programa 
  • Presentasyon
  • Mga Tanong at Komento ng Publiko

Mga Karagdagang Kaganapan sa Proyekto

GGP Accessibility Tour kasama ang Walk SF* – Oktubre 2, 10:30 a.m. - 12:00 p.m. 
*Lahat ay inaanyayahan, bagaman ang Tour na ito ay tukoy na dinisenyo upang mabigyan ng kakayahan ang mga tao na may kapansanan at ang mga nakatatanda na masuri ang kadalian ng akses sa Golden Gate Park. 

Virtual Information Session 2 - Oktubre 3, 10:00 a.m. - 12:00 p.m. 

GGP Walk/Roll & Talk Tour - Oktubre 10, 1:30 - 3:30 p.m. 

GGP Bike & Talk Tour - Oktubre 24, 1:30 - 3:30 p.m.