Ang Programa sa Akses at Kaligtasan ng Golden Gate Park ay isang pakikipagtulungan sa pagitan ng SFMTA at ng SF Recreation and Park Department (RPD). Nagpapanukala ang programang ito ng mga pagbabago sa kasalukuyang car-free na ruta na nakapipigil sa paglusot ng trapiko, nagpapabuti ng kaligtasan sa trapiko, nagpapahusay ng karanasan sa parke, at nagdadagdag ng akses sa parke – lalo na para doon sa mga nakakaranas ng maraming hadlang sa akses.
Isasaalang-alang ng programa ang isang malawak na saklaw ng mga panukala upang pabutihin ang akses, pagkamakatao, at kadalian ng pagkilos sa parke. Isang panukalang programa ang ihahatid sa Lupon ng mga Superbisor sa Taglamig ng 2021/22 na inalam sa pamamagitan ng teknikal na pagsusuri at input ng mga staff na tinipon sa pamamagitan ng proseso ng outreach sa publiko.
Alaming mabuti ang mga panukala nang malapitan at sabihin sa amin kung ano ang inyong saloobin sa pamamagitan ng pagbisita sa aming StoryMap dito.
Paano ibibigay ang inyong input ukol sa hinaharap ng kadalian ng paggalaw at akses sa Golden Gate Park
Hinihiling namin ang inyong input ukol sa ilang mga estratehiya upang mapabuti ang kadalian sa paggalaw at akses sa Golden Gate Park. Naririto ang ilang paraan upang kayo ay makasali:
- Bisitahin ang aming online open house at ibigay ang inyong input sa pamamagita ng pagsagot sa aming survey anumang oras sa aming StoryMap
- Dumalo sa isa sa dalawang virtual session para sa impormasyon para sa isang presentasyon tungkol sa pangkalahatang pananaw ng programa at Q&A:
- Setyembre 30, 3 hanggang 5 p.m.
- Oktubre 3, 10 a.m hanggang 12 p.m.
May libreng interpretasyon. Hilingin po nang 48 oras nang maaga sa GGPAccess@sfmta.com o 510-219-6489.
- Mag-tour sa Golden Gate Park (GGP):
- GGP Accessibility Tour kasama ang Walk SF* – Oktubre 2, 10:30 a.m. hanggang 12:00 p.m.
Lahat ay inaanyayahan, bagaman ang Tour na ito ay tukoy na dinisenyo upang mabigyan ng kakayahan ang mga tao na may kapansanan at ang mga nakatatanda na masuri ang kadalian ng akses sa Golden Gate Park. - GGP Walk/Roll & Talk Tour – Oktubre 10, 1:30 hanggang 3:30 p.m.
- GGP Bike & Talk Tour – Oktubre 24, 1:30 hanggang 3:30 nang p.m.
- GGP Accessibility Tour kasama ang Walk SF* – Oktubre 2, 10:30 a.m. hanggang 12:00 p.m.
- Bisitahin ang pangkat ng programa sa isa sa mga sumusunod na kaganapan sa komunidad.
- Golden Gate Bandshell Concert- Soul/Jazz Friday – Oktubre 1, 4:30 p.m. hanggang 7:30 p.m
- Clement Street Farmer’s Market – Oktubre 3, 9 a.m. hanggang 2 p.m.
- Inner Sunset Flea Market – Oktubre10, 10 a.m. hanggang 4 p.m.
- Bay Wheels Adaptive Bike Share – Oktubre 17, 10 a.m. hanggang 4 p.m.
- Golden Gate Park Bandshell Concert – Singer/Songwriter Wednesday – Oktubre 27, 4 p.m. hanggang 7 p.m.
- Golden Gate Park Sunday Roller Disco Party (location) – Nobyembre 7, 1 hanggang 2:30 p.m.
- Lindy in the Park – Nobyembre 14, 11 p.m. hanggang 2 p.m.
- Humiling ng isang presentasyon para sa inyong kapitbahayan o grupo sa komunidad – magpadala sa amin ng email sa AccessGGP@sfmta.com
- Naisabatas
- Pagpapatupad / Konstruksyon
Kasaysayan
Sa loob ng maraming dekada, sinuportahan ng mga taga-San Francisco ang mas konting bilang ng mga kotse sa Golden Gate Park: ang kasalukuyang car-free na ruta ay isang magandang resulta ng matagal nang nangyayaring mga pagsasara ng kalsada kapag Sabado at Linggo sa loob ng parke. Itinatag sa panahon ng COVID-19 bilang isang amenidad para sa mga residente na inutusang manatili sa kanilang tahanan, ang naturang ruta ay naging popular nitong nakaraang taon: mas marami pang mga bisita ang gumamit na ng car-free na ruta sa panahon ng COVID kumpara noong bukas pa ito para madaanan ng kotse. Sa loob ng nakaraang taon, ang staff ng SFMTA at RPD ay nagtatrabaho na upang matugunan ang mga hamon sa akses at delivery na nauugnay sa ruta.
Sa simula ng 2021, ang San Francisco County Transportation Authority (SFCTA) ay nagtipon ng isang working group ng mga pangunahing stakeholders upang tukuyin ang mga pinagbabahaginang pagpapahalaga sa parke, ang mga hindi natutugunang pangangailangan ng mga bumibisita sa parke, at isang balangkas ng mga bagay-bagay para sa gagawing aksyon upang matugunan ang mga tinukoy na pangangailangan. Ang Programa sa Akses at Kaligtasan ng Golden Gate Park ay tutugon sa mga bagay-bagay na gagamitin para sa naturang aksyon na tinukoy ng SFCTA Working Group upang mapabuti ang akses, kadalian ng pagkilos, at pagkamakatao para sa lahat ng mga bisita ng parke.
Pagpunta sa Golden Gate Park
Gustong malaman kung ano ang kasalukuyang pagkalatag ng car-free na ruta sa Golden Gate Park? Gustong malaman kung saan madaling ma-akses ang paradahan para sa ADA? Gustong malaman kung paano pupunta sa inyong paboritong destinasyong parke? Bisitahin ang Recreation & Parks Department para sa karagdagang impormasyon tungkol sa car-free na ruta sa Golden Gate Park sa: