Mga Bagong Panukala para sa Pinabuting 29 Sunset – ibahagi ang iyong puna bago o sa Setyembre 15

Share this:

Mayroon na kaming mga bagong panukala upang mapabuti ang 29 Sunset bilang bahagi ng 29 Sunset Improvement Project – Ikalawang Yugto.

Ang mga panukalang ito ay idinisenyo upang makamit ang ilang mahahalagang layunin:

  • Mas maaasahang serbisyo: Sa pamamagitan ng pagbawas ng mga pagkaantala, magiging mas maaasahan ang mga bus. Ibig sabihin nito ay mas kaunting agwat sa pagitan ng mga bus, na magreresulta sa mas kaunting siksikan at mas kaunting pagkakataon na hindi masakyan ng mga pasahero.
  • Mas maiikling oras ng biyahe: Ang karaniwang bilis sa rutang 29 Sunset ay umaabot lamang sa 5 milya bawat oras. Ang mas mabilis na biyahe sa 29 Sunset ay makakatulong sa mga pasahero na makarating agad sa kanilang destinasyon.
  • Makakatipid din ito ng pondo dahil mas kaunting bus ang kakailanganin upang mapanatili ang parehong antas ng serbisyo.
  • Mas maayos at kapansin-pansing mga hintuan ng bus: Ang pagdagdag ng mas mahusay na mga palatandaan, ilaw, at silungan sa ilang hintuan ng bus ay magpapadali sa kanilang paghanap at magbibigay ng mas komportableng karanasan sa mga pasahero.

Pinaunlad na kaligtasan sa trapiko para sa lahat ng bumibiyahe sa rutang ito. Anim na kalye sa kahabaan ng ruta ay bahagi ng High Injury Network ang 12% ng mga lansangan sa lungsod kung saan nagaganap ang 68% ng lahat ng malulubha at nakamamatay na banggaan sa trapiko.

Alamin pa ang tungkol sa mga panukala ng proyekto at ibahagi ang iyong puna bago o sa Setyembre 15.

Maaari mo ring tingnan ang mga disenyo at magbigay ng puna nang personal:

Maaari kang bumisita sa alinman sa aming mga self-guided open house sa pagitan ng Agosto 20 at Setyembre 10 upang makita ang mga materyales at magbigay ng iyong puna. Ang mga materyales ay available sa Ingles, Español, Tsino, at Filipino. Piliin ang lokasyong pinakamalapit o pinaka-komportable para sa iyo:

  • Ingleside Branch Library (1298 Ocean Avenue)
  • Excelsior Branch Library (4400 Mission Street)

Magkakaroon din kami ng mga staffed pop-up event sa mga sumusunod na oras at lugar:

Maaari mo ring ipadala ang iyong mga tanong o hilingin sa project team na magbigay ng update sa inyong community group tungkol sa proyekto sa Better29@SFMTA.com o 415.646.2410.

Mag-subscribe para makatanggap ng mga update sa proyekto sa pamamagitan ng email o text message upang manatiling updated sa mga susunod na hakbang ng proyekto.

Community Listening Tour, Fall 2024

Ang mga panukalang ito ay nabuo mula sa isang community listening tour na isinagawa namin noong fall 2024. Nakinig kami sa mga feedback mula sa daan-daang miyembro ng komunidad sa pamamagitan ng:

  • Mga pagpupulong kasama ang mga organisasyon ng komunidad
  • Pagtatayo ng mga mesa sa mga hintuan ng 29 Sunset sa mga barangay ng Bayview, Excelsior, Ingleside, at Oceanview
  • Isang community bus tour kasama ang mga pasahero ng 29 Sunset at mga miyembro ng komunidad mula sa mga barangay sa kahabaan ng timog na bahagi ng ruta

Four photos show SFMTA staff members talking to members of the public on a Muni bus, at the SF State quad, outside of a church and at a presentation.

Matapos ang pakikipag-ugnayan para sa mga bagong panukalang ito, susuriin ng project team ang mga natanggap na puna at pag-aaralang baguhin ang mga panukala. Sa susunod na bahagi ng taon, inaasahan naming maipakita ang mga binagong panukala para sa karagdagang puna mula sa komunidad sa isang pampublikong pagdinig. Pagkatapos ng pampublikong pagdinig, ihaharap namin ang pinal na mga panukala sa SFMTA Board of Directors para sa kanilang pagsasaalang-alang at pag-apruba.

Hindi pa pinal ang mga panukalang ito. Makakatulong ang iyong mga puna upang mapahusay namin ang mga panukala.
 

Contact

Brian Haagsman

Public Information Officer
Brian.Haagsman@SFMTA.com
415.646.2410