ito pangyayari ay nasa nakaraan

Mangyaring tingnan ang Kalendaryo para sa mga darating na pagpupulong at kaganapan. Pinapanatili namin ang pahinang ito bilang isang pampublikong tala.

Programa sa Akses at Kaligtasan ng Golden Gate Park: Virtual Session para sa Impormasyon 2

Ibahagi ito:
Oct 3

Magkasamang inilunsad na ng San Francisco Recreation and Park Department (RPD) at SFMTA ang Programa sa Akses at Kaligtasan ng Golden Gate Park, isang pagsusumikap upang matukoy ang kinabukasan ng mga priyoridad na ruta para sa bisikleta at mga naglalakad sa Golden Gate Park. Noong 2020, nang ang pandemya ay nagdulot ng pangangailangan ng maraming mga opsyon para sa pagbibisikleta, paglalakad, at paglilibang sa labas nang may ligtas na distansiya, ang RPD at SFMTA ay nagtatag ng isang cross-park na ruta para sa pagbibisikleta at para sa paglalakad, nang may limitadong mga akses ang sasakyan.  

Habang ang siyudad ay kumikilos palabas sa emerhensiya ng pandemya, ang RPD at SFMTA ay nagtutulungan sa isang panukala para sa kinabukasan ng cross-park na ruta na isusumite sa Lupon ng mga Superbisor bago magtapos ang 2021. Ang panukala ay inalam sa pamamagitan ng teknikal na pagsusuri kasama ng input ng publiko.   

 Samahan ang RPD at SFMTA sa virtual session na ito para sa impormasyon upang matutunan ang tungkol sa mga posibleng opsyon ukol sa mga ruta para sa pagbibisikleta at paglalakad pagkatapos ng pandemya, at upang makapagbigay ng komento patungkol sa kinabukasan ng parke.

Ang sesyon para sa impormasyon ay bubuuin ng isang presentasyon ng staff ng SFMTA, na susundan ng isang Q&A/sesyon sa pagbibigay ng komento. Dagdag pa rito, matitingnan ng mga dadalo ang mga detalye ng mga posibleng opsyon para sa parke at makapagbibigay ng komento sa isang interactive na online StoryMap. Ang naturang StoryMap ay mananatiling bukas hanggang Nobyembre 25. 

Para sa karagdagang impormasyon at upang mabisita ang StoryMap, bisitahin ang pahina ng proyekto ng Programa sa Akses at Kaligtasan ng Golden Gate Park.


Agenda ng Pampublikong Pagpupulong: 

  • Pagpapakilala ng Pangkat ng Programa 
  • Presentasyon
  • Mga Tanong at Komento ng Publiko

Pagbibigay ng Komento ng Publiko

  • Tiyakin na kayo ay nasa isang tahimik na lokasyon
  • Magsalita nang malinaw
  • Patayin ang anumang TV o radyo na nakapaligid sa inyo  

1.  Kapag narinig ang instruksyon, i-dial ang "1 - 0" upang madagdag sa linya ng mga magsasalita. Tutukuyin ng auto-prompt na ang mga tumatawag ay pumapasok na sa "Question and Answer"; ito na mismo ang panahon para sa "Komento ng Publiko".

2.  Kapag narinig ang instruksyon na magsimula, ang mga tumatawag ay magkakaroon ng pamantayang dalawang minuto upang makapagbigay ng komento.

 Maari rin ninyong ipapadala ang inyong mga tanong, mga komento at mga opinyon sa pamamagitan ng email sa GGPAccess@sfmta.com bago ang, sa panahon ng, o pagkatapos ng pagpupulong. 

 Kung kailangan ninyo ng tulong kaugnay ng mga akomodasyon para sa ikadadali ng akses o kung mayroong mga katanungang pangkalahatan o teknikal o kung mangangailangan ng tulong bago ang pagsisimula ng oras ng pagpupulong, mangyaring mag-email sa GGPAccess@sfmta.com. Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang matugunan ang lahat ng mga makatuwirang kahilingan ukol sa akomodasyon sa aksesibilidad kung hiniling nang hindi na bababa pa sa 48 oras bago ang oras ng pagsisimula ng pagpupulong.

 Tumawag sa 311 (Sa labas ng SF 415.701.2311; TTY 415.701.2323) Libreng tulong sa wika / 免費語言協助 / Ayuda gratis con el idioma / Бесплатная помощь переводчиков / Trợ giúp Thông dịch Miễn phí / Assistance linguistique gratuite / 無料の言語支援 / 무료 언어 지원 / Libreng tulong para sa wikang Filipino / การช่วยเหลือทางด้านภาษาโดยไม่เสียค่าใช้จ่าย / خط المساعدة المجاني على الرقم 


Mga Karagdagang Kaganapan sa Proyekto

Virtual Information Session 1 - Oktubre 3, 3:00 p.m. - 5:00 p.m. 

GGP Accessibility Tour kasama ang Walk SF* – Oktubre 2, 10:30 a.m. - 12:00 p.m. 
*Lahat ay inaanyayahan, bagaman ang Tour na ito ay tukoy na dinisenyo upang mabigyan ng kakayahan ang mga tao na may kapansanan at ang mga nakatatanda na masuri ang kadalian ng akses sa Golden Gate Park. 

GGP Walk/Roll & Talk Tour - Oktubre 10, 1:30 - 3:30 p.m. 

GGP Bike & Talk Tour - Oktubre 24, 1:30 - 3:30 p.m.