Proposisyon H: Mga madalas na katanungan sa Mas Malakas na Muni para sa Lahat ng Buwis sa Parsela

Share this:

Ano ang Mas Malakas na Muni para sa Lahat ng Buwis sa Parsela ng Lupa (Stronger Muni For All Parcel Tax)

Ang taunang buwis sa karamihan ng mga parsela ng San Francisco, na inaprubahan ng mga botante bilang Proposisyon H noong Nobyembre 2026. Pinopondohan nito ang serbisyo ng transportasyon ng Muni.

Kailan ako magsisimulang magbayad?

Ang buwis sa parsela ay idinaragdag sa iyong regular na bayarin sa buwis ng ari-arian sa San Francisco, ibig sabihin ay binabayaran ito sa parehong dalawang hulugan, sa parehong petsa, na may parehong mga multa para sa nahuling pagbabayad. Unang magpapakita ang buwis sa parsela sa iyong bayarin sa buwis ng ari-arian taong piskal 2027-28. Ito ay ipapadala gamit ng koreo sa taglagas ng 2027.

Paano ko malalaman kung magkano ang aking babayaran?

Maaari mong gamitin ang instrumento sa paghahanap ng buwis sa parsela para sa pagtatantya ng iyong buwis kapag nagbukas na ito sa Dec. 1, 2026 sa webpage ng Mas Malakas na Muni para sa Lahat ng Buwis sa Parsela. Maaaring tignan din ang “Paano kinakalkula ang buwis” sa talahanayan sa ilalim. Ang iyong aktwal na buwis na kailangan bayaran ay ililista sa iyong bayarin sa taunang buwis sa ari-arian.

Paano sinusukat ang building area?

Ang "Building Area" ay tinukoy sa Seksyon 1802 ng "Stronger Muni For All" na ordinansa, na maaari mong ma-access dito: Stronger Muni For All Ordinance. Gumagamit ang SFMTA ng mga talaan ng lungsod, pinagkakatiwalaang datos ng third-party, pananaliksik sa pagmamapa (GIS) at iba pang mapagkukunan ng impormasyon upang ilapat ang mga kahulugang iyon sa mga indibidwal na parsela.

May-ari ako ng condo. Paano ito binubuwisan?

Ang bawat residential condominium o cooperative apartment na may sariling Assessor's Parsela Number at itinuturing na isang single dwelling unit ay itinuturing na sarili nitong single-family residential na parsela.

Tataas ba ang buwis?

Ang halaga ng dolyar ay tumataas bawat taon kasabay ng implasyon na nagsisimula sa taong piskal 2028-29. Maaari ring magbago ang iyong buwis kung magbabago ang uri ng iyong ari-arian o lawak ng gusali.

Ako ay 65 taong gulang o mas matanda pa. Awtomatiko ba akong hindi kasama?

Hindi. Ang mga kwalipikadong may-ari na naninirahan sa parsela bilang pangunahing tirahan ng may-ari ay kinakailangan mag-apply sa pamamagitan ng Exemption Request Form. Ang form ay bukas simula Dec. 1, 2026 sa webpage ng Mas Malakas na Muni para sa Lahat ng Buwis sa Parsela. Kapag naaprubahan, ang iyong eksemsiyon ay mag-rerenew kada taon maliban na lang kung may magbago sa iyong sitwasyon.

Magiging 65 na ako sa susunod na taon. Kailan ako dapat mag-apply?

Kwalipikado ka para sa isang eksemsion pangnakakatanda kung ikaw ay magiging 65 taong gulang bago ang Hulyo 1 ng taong piskal na iyon (Hulyo 1 – Hunyo 30). Ang mga aplikasyon ay dapat matanggap bago ang Hunyo 1 ng kasalukuyang taong buwis upang maisama sa paparating na bayarin sa buwis.

Mali ang uri ng aking ari-arian o laki ng gusali. Ano ang gagawin ko?

Magsumite ng Adjustment Request Form kasama ang mga kinakailangang mga pansuportang dokumento bago ang Hunyo 1. Ang form ay bukas simula Dec. 1, 2026 sa webpage ng Mas Malakas na Muni para sa Lahat ng Buwis sa Parsela. Susuriin ito ng SFMTA at magpapadala sa iyo ng desisyon. Kung ang iyong aplikasyon ay hindi isinumite nang elektroniko o may selyo noong o bago ang Hunyo 1, kasama ang mga kinakailangang dokumento, hindi ka magiging karapat-dapat sa adjustment para sa darating na taon ng pananalapi (Hulyo 1 - Hunyo 30). Ang kasalukuyang aplikasyon ay iproproseso para sa susunod na taon.

Inuupahan ko ang bahay ko. Tataas ba ang upa ko?

Kung ang iyong unit ay kontrolado ang renta, maaaring ipataw ng iyong landlord ang hanggang 50% ng buwis para sa iyong unit, hanggang sa maximum na $65 kada taon. Makipag-ugnayan sa San Francisco Rent Board para sa mga detalye.

May katapusan ba ang buwis?

Oo. Magtatapos ito sa Hunyo 30, 2042.

Kanino ako makikipag-ugnayan para sa mga katanungan?

Para sa mga katanungan na may kaugnayan sa iyong buwis sa parsela, tulad ng mga eksemsiyon at adjustment: Bisitahin ang webpage ng Mas Malakas na Muni para sa Lahat ng Buwis sa Parsela. Maari ring mag-email sa parcel@sfmta.com.

Paano kinakalkula ang buwis?

Ang buwis para sa karamihan ng parsela ay nakadepende sa dalawang bagay: ang klase ng parsela at ang maaaring buwisan na Building Area. Tanging ang mga Building Area lamang na matatagpuan sa mga bahagi ng parsela na kabilang sa buwis sa ari-arian ang kasama sa bubuwisan.

Uri ng Parsela Lawak ng Gusali (Building Area) Taunang Buwis (FY 2027-28)
Residential na pang-iisang pamilya Hanggang 3,000 sq ft $129
Residential na pang-iisang pamilya 3,001-5,000 sq ft $129 + $0.42 kada sq ft na mahigit 3,000
Residential na pang-iisang pamilya Mahigit 5,000 sq ft $969 + $1.99 kada sq ft na higit sa 5,000
Residential na pangmaramihang pamilya Hanggang 5,000 sq ft $249
Residential na pangmaramihang pamilya Mahigit 5,000 sq ft $249 + $0.195 kada sq ft na higit sa 5,000 (maximum na $50,000)
Hindi pang-residential Hanggang 5,000 sq ft $799
Hindi pang-residential 5,001-50,000 sq ft $799 + $0.76 kada sq ft na higit sa 5,000
Hindi pang-residential 50,001-250,000 sq ft $34,999 + $0.84 kada sq ft na higit sa 50,000
Hindi pang-residential Mahigit 250,000 sq ft $202,999 + $0.99 kada sq ft na higit sa 250,000 (maximum na $400,000)
Halo-halo na paggamit Hanggang 5,000 sq ft sa kabuuan $799
Halo-halo na paggamit Mahigit 5,000 sq ft ang kabuuan Ang mga bahaging residensiyal at hindi pang-residensiyal ay kinalkula nang hiwalay, na may $129 o $249 na kredito sa bahaging residensial (maximum na $400,000)
Hindi pa napabuti (parsela na walang gusali) Area ng lupa na hanggang 2,000 sq ft $0
Hindi pa napabuti (parsela na walang gusali) Area ng lupa na hanggang 2,000 sq ft $392

Mga Halimbawa

Ang bahay na pang-iisang pamilya na may sukat na 2,000 sq ft: $129

Ang bahay na pang-iisang pamilya na may sukat na 4,000 sq ft: $129 + (1,000 x $0.42) = $549

Ang apartment building na may sukat na 20,000 sq ft: $249 + (15,000 x $0.195) = $3,174

Sino ang kwalipikado para sa eksemsiyon o reduksiyon?

Ang ilang may-ari ay maaaring kwalipikado para sa eksemsyon o reduksiyon. Pakitandaan: ang Senior at Single Room Occupancy (SRO) relief ay nangangailangan ng aplikasyon na isumite sa SFMTA. Ang form ng aplikasyon ay bukas simula Dec. 1, 2026 sa https://www.sfmta.com/node/46002.

Sino ang kwalipikado para sa eksemsiyon Ano ang iyong makukuha Kinakailangan mag-apply?
Mga may-ari na may gulang 65 o higit pa bago Hulyo 1 ng taong piskal (Hulyo 1- Hunyo 30), nakatira sa isang residential na pang-iisang pamilya na parsela bilang kanilang pangunahing tirahan. Buo na eksemsiyon Oo
Mga may-ari na may gulang 65 o higit pa bago Hulyo 1 ng taong piskal (Hulyo 1- Hunyo 30), nakatira sa isang unit bilang kanilang pangunahing tirahan na matatagpuan sa isang Residential na pangmaramihang pamilya na parsela $249 na kabawasan sa bawat unit na pagmamay-ari ng isang senior na ginagamit bilang kanilang pangunahing tirahan (Hindi pwede bumaba ang buwis ng $0) Oo
May-ari na 65 taong gulang o pataas bago ang Hulyo 1 ng piskal na taon ng pagbubuwis (Hulyo 1 – Hunyo 30), na nakatira sa bahagi na residensyal ng isang Gusaling halo-halo na paggamit na parsela na higit 5,000 sq ft bilang kanilang pangunahing tirahan. Reduksiyon para lamang sa bahagi na residensiyal Oo
Single-room occupancy (SRO) na mga unit, kasama na ang banyo ang kusinang komunal Walang buwis ang ganitong Building Area Oo
Ari-arian, o bahagi ng ari-arian, hindi pinapatawan ng buwis (halimbawa, maraming ari-arian ng gobyerno, nonprofit, at mga pang-relihiyon) Di kasama sa buwis Hindi – awtomatikong nag-aapply