Ano ang dapat maging itsura ng Muni service sa 2022?
Sa nakalipas na mga buwan, nagbahagi kami ng tatlong alternatibo para sa kung paano madaragdagan ang serbisyo sa unang bahagi ng 2022. Nakatanggap kami ng mga puna mula sa publiko sa pamamagitan ng dose-dosenang mga pagpupulong at mga popup, daan-daang mga tawag at email at libu-libong mga tugon mula sa survey.
Ginamit ng mga tagaplano ng transit ngayon ang puna na ito, ipinares sa datos na nagpapakita kung aling mga linya ang pinaka ginagamit at kung saan pinakamataas ang pagsakay, upang makabuo ng isang panukala para sa pagpapataas ng serbisyo sa Muni noong unang bahagi ng 2022.
Ang mga kamakailang iminungkahing pagbabago ay kinabibilangan ng:
-
Pagbabago ng opsyon 3 para sa J Church: Serbisyo ng tren sa subway mula Balboa Park hanggang Embarcadero sa gabi. Serbisyo ng tren mula sa Balboa Park hanggang sa Church at Duboce, at serbisyo ng bus tuwing 30 minuto, para hindi kailingang lumipat mula Noe Valley hanggang Embarcadero sa araw.
-
Ibinabalik ang 8AX Bayshore Express na may dalas na 8 minuto.
-
Ibinabalik ang 8BX Bayshore Express na may dalas na 8 minuto.
Tingnan ang buong detalye ng 2022 Muni panukalang serbisyo.
Patuloy kaming nangangalap ng komentaryo sa mga pagbabago na naisagawa sa serbisyo ng Muni mula April 2020:
- Pagbibigay ng komentaryo patungkol sa pinaigsing ruta ng J Church. Maaari mo ring bisitahin ang webpage ng pagbabago sa rutang J Church at ang webpage ng J Church Transfer Improvements para sa karagdagang impormasyon patungkol sa mga pagbabago sa mga kalsadang Church at Market upang masuportahan ang karanasan sa paglipat para sa mga sumasakay sa J Church.
Makipag-ugnyan sa TellMuni@SFMTA.com o 415.646.2005 upang makapagbigay ng espesipikong komentaryo.
Ginamit ng kawani ang puna na ito upang pinuhin ang panukala para sa mga serbisyo ng Muni at mga pagbabago sa unang bahagi ng 2022. Gagamitin ito ng SFMTA Board sa paggawa ng desisyon na nagpapakita ng mga pamantayan ng San Francisco.
Patuloy kaming humihingi ng puna sa publiko upang matulungan kaming pinuhin ang panukala bago namin ito iharap sa SFMTA Board. Maaaring magbigay ng puna sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa TellMuni@SFMTA.com o 415.646.2005. Ang panukala para sa serbisyo ng Muni sa unang bahagi ng 2022 ay ipapadala sa SFMTA Board para sa kanilang konsiderasyon sa Disyembre 2021.
Bakit ngayon?
Unang binawasan ng SFMTA ang serbisyo ng Muni habang panahon ng pandemyang COVID-19, mula dito ay Nakagawa ng Muni Core Service Network kung saan naisasagawa dito ang mga hakbang para sa pampublikong kalusugan upang mabawasan ang panganib sa COVID-19 at siniserbisyuhan ang mga biyahe at manggagawang esensiyal. Mula Abril 2020, patuloy naming dinadagdagan ang serbisyo, kabilang dito ang pagbalik namin ng mga serbisyo na dating mayroon pati na rin ang pagdagdag ng mga serbisyo sa mga matataong mga koridor at paggawa ng mga bagong linya. Ang mga pagsisikap na ito ay nakatuon sa mga pagpapabuti sa mga kapitbahayang natukoy ng Muni Service Equity Strategy na mayroong mataas na mga bilang ng mga residenteng may mababang mababang mga kita at may mga ibang lahi o “people of color”.
- Kapansin-pansin na aming dinamihan ang mga serbisyo ng Muni sa mga matataong koridor tulad ng Mission at 16th Street, kung saan ang mga bus ay tumatakbo bawat dalawang minuto. Nagpapatakbo na kami ngayon ng mas maraming serbisyo ng Muni sa ilang mga koridor kabilang ang mga koridor ng Mission at Potrero/San Bruno kaysa sa ginawa namin bago ang pandemya.
- Aming pinakilala ang bagong 15 Bayview Hunters Point Express na ruta ng bus na naghahatid ng mabilis na koneksyon sa mga lokal na hintuan sa Bayview at mga pangunahing mga destinasyon sa Third Street patungo ng Financial District.
- Binago namin ang ruta ng 22 Fillmore upang maserbisyuhan ang Mission Bay, kabilang ang kampus ng UCSF, ospital at Chase Center. Nakipagtulungan kami kasama ang komunidad upang matukoy ang mga hintuan para sa bagong koneksyon sa koridor ng 16th Street kung saan pinapalitan nito ang 22 Fillmore sa Potretro Hill at pagpapalit sa 55 16th Street ng baging 55 Dogpatch.
-
Ang bagong 58 Lake Merced ng Muni ay nagbigay ng mga bagong koneksyon sa Westlake District sa Daly City habang ang 57 Parkmerced ay inilipat sa silangang bahagi ng Lake Merced.
Sa kasalukukyan, pitong mga ruta ng bus na Muni ang gumagana sa buong maghapon ang hindi pa naibabalik: 2 Clement, 3 Jackson, 6 Haight/Parnassus, 10 Townsend, 21 Hayes, 28R 19th Avenue Rapid, 47 Van Ness.
Bakit kailangan bisitahing muli ang Muni network?
Kinokonekta ng Muni ang mga komunidad sa San Francisco. Habang bumabangon muli ang lungsod mula sa pandemyang COVID-19, bumubuo ang SFMTA ng panukala kung paano maibabalik ang serbisyo ng Muni sa 2022. Sa mga nakaraang taon, at habang may pandemya, nakita namin na nagbago ang mga kalakaran ng pagbibiyahe at umiiba ang mga pangangailangan.
Upang matukoy ang pinakamainam na paggamit ng mga mapagkukunan ng SFMTA, tatlong senaryo ang nabuo upang pataasin ang antas ng serbisyo ng Muni sa unang bahagi ng 2022 sa antas na kayang panatilihin ng SFMTA. Sa alternatibo na kung saan hindi ibabalik ang pitong natitirang ruta ng bus ng Muni bago ang pandemya, layunin naming gumawa ng iba pang pagpapabuti sa Muni na nagbabawas ng oras ng paghihintay at pagsisiksikan ng mga tao sa magkaparehong mga pangunahing kapitbahayan.
Kami ay nagsasagawa ng tatlong ikot ng pag-abot sa 2021:
1. Pagpapasimula ng Pakikipag-ugnayan ng Komunidad (Nakumpleto na)
Ang mga presentasyon at diskusyon kabilang ang mga pangunahing mga organisasyon sa komunidad at mga grupong tagapagtaguyod upang pag-usapan ang tatlong mga senaryo at pagsali sa mga komunidad sa pagtukoy kung alin sa mga senaryo ang pinakamabuti sa mga pangangailangan ng San Francisco at pagtukoy ng anumang mga hamon o iniisip na may layunin na pinuhin ang mga senaryo base sa mga komentaryo para sa pangalawang ulit ng pag-abot.
2. Pakikipag-ugnayan ng Buong Lungsod (Nakumpleto na)
Pagsama sa publiko sa diskusyon ng tatlong senaryo at pagtukoy sa anumang hamon o inaalala sa bawat isang senaryo gamit ang aming StoryMap, pagho-host Virtual na Open House na mayroong interprestasyong magagamit sa pamamagitan ng pag-hingi, mga pagpupulong at mga oras ng opisina at multilinggwal na media outreach na masasama ang posibleng pinakamalawak na manunuod na namarginalisado sa kasaysayan. Mahusay na makukuha sa online at sa pamamagitan ng nakolektang telepono na puna sa tatlong alternatibo sa Oktubre 1. Ang feedback na nakalap sa panahong ito, na ipinares sa data ng transit, ay ginamit upang bumuo ng isang panukala para sa 2022 Muni Service Network.
3. Paglalahad Sa Aming Narinig: Pag Fine-tune ng Network (Kasalukuyang isinasagawa)
Sa yugtong ito, kami ay kokonsulta sa mga komunidad, iprepresenta ang panukala para sa 2022 Muni Service Network at magbibigay ng mga detalye sa kung paano naimpluwensyahan ng komentaryo ng publiko ang panukala. Kapag naayos na ang panukala sa estadong ito, ito ay dadalhin na sa SFMTA Board para sa konsiderasyon ng pag-aapruba, inaasahan sa Disyembre 2021.