Slow Streets Program

SFMTA.com/SlowStreets

The San Francisco Municipal Transportation Agency (SFMTA) Board of Directors will consider re-authorizing 20th Street as part of the Slow Streets Program at the March 21, 2023 meeting. Read the project update to learn more about this proposal, review the draft design, and find out how to participate in the Board of Directors meeting:

Read the project update

繁體中文

Filipino

Español

Introduksyon sa Proyekto (Project Introduction)

Ang Slow Streets ay mga rutang pantrapiko na ligtas, kumportable, at kakaunti ang sasakyan na inuuna ang aktibong transportasyon at pagbuo ng komunidad. Pinag-isipan nang mabuti ang disenyo ng mga shared street na ito at ipinapatupad sa mga piling residensyal na kalsada upang magbigay ng mga alternatibo para sa mga taong mas gustong huwag magmaneho, habang pinapabuti ang trapiko mula sa mga kahanay na kalye. Bukas ang mga ito sa lahat ng uri ng trapiko, kabilang ang mga sasakyan, ngunit binibigyang-diin ang mababagal at ligtas na bilis upang suportahan ang iba't ibang magkakahalong paggamit.

Sinusuportahan ng Slow Streets ang mga mithiin ng San Francisco na lumikha ng konektado at pambuong-estadong Aktibong Network ng Transportasyon, pawiin ang mga kamatayan at malulubhang pinsala sa katawan na nauugnay sa transportasyon, at hikayatin ang mas marami pang tao na piliin ang mga paraang gumagamit ng mas kaunting karbon para bumiyahe. Bahagi ang mga ito ng lumalagong network ng mga kalyeng ligtas at tumatanggap sa mga taong sa lahat ng edad at kakayahan. Sa Slow Streets, ligtas na makakapagbisikleta ang mga bata sa paaralan, magagawa ng mga pamilya ang mga kailangan nilang gawin, at makakahanap ang mga taong may kapansanan ng ligtas at maa-access na espasyo para makalibot sa kanilang mga komunidad.

Kabilang sa programang Slow Streets ng SFMTA ang dalawang komplementaryong inisyatiba:

Disenyo ng kalye: Ipatutupad ng SFMTA ang mga pagdidisenyo sa mga piling kalye ng San Francisco upang gumawa ng mga koridor na nagdudulot ng mas kaunting stress, at ginagamit ng lahat na inuuna ang aktibong transportasyon. Gumagamit ang Slow Streets ng suite ng magtatagal na pagdidisenyo para gumawa ng mga ganitong kalye, kabilang ang:

  • Mga elemento ng dibersyon ng trapiko, kabilang ang mga pananim
  • Mga restriksyon sa pagliko
  • Mga elemento sa pagpapakalma ng trapiko, iyon ay, mga speed hump 
  • Mga STOP Sign
  • Pagpapakitid ng daan/mga chicane
  • Mga karatula para mahanap ang pupuntahan
  • Mga marka sa pagpapatag ng daan  

Pagbuo ng komunidad: Isasama ng SFMTA ang Play Streets sa programang Slow Streets sa pakikipagtulungan sa Livable City at SF Parks Alliance. Naghahandog ang Play Streets ng mga isinaayos na permit para sa mga pagsasara ng buong block, upang magamit ng komunidad ang kalye at magdaos ng mga event at pagtitipon. Sa pamamagitan ng Play Streets, maaaring magtakda ang magkakapitbahay ng mga regular na pagsasara ng block sa iskedyul na naaangkop para sa komunidad. Inihahandog ang Play Streets bilang pang-akma sa kasalukuyang Slow Streets at sa anumang mga komunidad na interesado sa pag-oorganisa ng mga regular na paggamit ng kalye.

Inawtorisahan ang programang Slow Streets ng San Francisco ng Lupon ng MTA noong Disyembre 6, 2022. Inaprubahan din ang mga unang koridor ng 16 para maisama sa programa.

People on Page Slow Street: A man in a motorized scooter crosses the street, and a jogger, a cyclist, and a person pushing a stroller are in the background

Saan mahahanap ang Slow Streets sa San Francisco

A map showing the 16 corridors approved for inclusion in the Slow Streets program.

Pinakamahusay na gumagana ang konsepto ng Slow Streets sa mga pangunahing residensyal na kalye na patag, matuwid, at pinakakaraniwang may mga seksyong kontrolado ng karatulang stop (tumigil) sa halip na mga ilaw na pantrapiko. Ang mga ruta ng MUNI at mga koridor para sa mga pagresponde sa emerhensya ay hindi gumagana bilang Slow Streets. Ang mga koridor na kasama sa programa ay:

  • 12th Avenue, from Lincoln Way to Lawton Street
  • 22nd Street, from Bryant Street to Chattanooga Avenue
  • 23rd Avenue, from Lake Street to Cabrillo Street
  • Arlington Street, from Roanoke Street to Randall Street
  • Cabrillo Street, from 45th Avenue to 25th Avenue
  • Cayuga Avenue, from Naglee Avenue to Rousseau Street
  • Clay Street, from Arguello Boulevard to Steiner Street
  • Golden Gate Avenue, from Parker Street to Broderick Street
  • Hearst Avenue, from Ridgewood Avenue to Baden Street 
  • Lake Street, from Arguello Boulevard to 28th Avenue     
  • Lyon Street, from Turk Street to Haight Street     
  • Minnesota Street, from Mariposa Street to 22nd Street     
  • Noe Street, from Duboce Avenue to Beaver Street   
  • Sanchez Street, from 23rd Street to 30th Street
  • Shotwell Street, from Cesar Chavez to 14th Street
  • Somerset Street, from Silver Avenue to Woolsey Street  

Mga mithiin at pamantayan ng programa 

Sa pamamagitan ng programang Slow Streets, nilalayon ng SFMTA na palawakin ang lumalaking Aktibong Network ng Transportasyon ng lungsod at hikayatin ang mas marami pang tao sa lahat ng edad at kakayahan na bumiyahe sa paraang gumagamit ng mas kaunting karbon. Mahalaga na ang Slow Streets ay maging mga koridor na ligtas, kumportable, at magagamit ng lahat. Upang mapagana ang Slow Streets, kailangang manatiling mababa ang dami ng trapiko, pati na rin ang mga bilis ng sasakyan. Para sa programang Slow Streets, ginagamit ng SFMTA ang pamamaraang batay sa data upang matiyak na natutugunan ng mga kalye ang mga sumusunod na pamantayan sa mababang stress, gaya ng napagpasyahan sa mga pamantayan ng mga Opisyal ng National Association of City Transportation (Pambansang Asosasyon ng Transportasyon sa Lungsod):

  • Dami ng sasakyan na 1,500 kada araw o mas mababa pa 
  • Bilis ng sasakyan na 20 mph o mas mababa pa

Mangongolekta ang SFMTA ng maraming data tungkol sa dami at bilis ng trapiko at aayusin ang mga disenyo sa koridor sa tuwing kailangan upang maisakatuparan ang mga koridor na mababa ang stress.

Bukod dito, mahalagang masunod ng lahat ng gumagamit ang mga patnubay sa Slow Streets hinggil sa pag-uugali at paggamit sa mga koridor na ito. Sa mataas na lebel: Makakadaan ang lahat, at mangyaring magdahan-dahan! Para sa mga mas detalyadong patnubay at mga sagot sa mga karaniwang tanong, mangyaring pag-aralan ang aming Mga Madalas Itanong Tungkol sa Slow Streets, at tingnan ang aming Fact Sheet para sa pinakamahuhusay na gawain sa kung paano gagamitin ang Slow Streets.

Pagpapatupad at pagpapalawak ng programa

Pagkatapos ng pagtatag ng programang Slow Streets ng Lupon ng MTA noong Disyembre 6, 2022, magpopokus ang pangkat ng programa sa pagkolekta ng data tungkol sa lahat ng koridor upang magbigay ng impormasyon sa mga unang disenyo. Pagkatapos ng pagkolekta at pagsusuri ng data, sisimulan ng pangkat ang proseso ng pakikipag-ugnayan para sa disenyo para sa bawat koridor.

Tutukuyin ang mga potensyal na koridor para sa pagpapalawak ng programa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa komunidad, mga pagsusumikap ng SFMTA tulad ng Plano ng mga Aktibong Planong Pangkomunidad, at opinyon ng mga residente. Laging tinatanggap ang mga suhestiyon, at malapit na kaming gumawa ng form para masagutan ng mga residente at magsumite sila ng mga ideya para sa mga koridor sa hinaharap.

San Francisco County Transportation Authority logo
Impormasyon sa Pakikipag-ugnay (Contact Information)