Mga Pamasahe
Dahil maraming iba’t ibang paraan ng pagbabayad, madali lamang ang pagbili ng inyong tiket para sa Muni bus, tren, o cable car. At dahil pinababagal ang sistema ng pagbabayad nang cash, gagantimpalaan namin kayo ng mas murang pamasahe kapag nagbayad kayo sa pamamagitan ng ibang paraan.
MuniMobile®: Pinahihintulutan kayo ng Muni Mobile, ang opisyal na app ng SFMTA, na agad-agad na makabili ng tiket gamit ang credit/debit card o account sa PayPal. Alamin pa ang tungkol dito.
Clipper® Card: Ang Clipper ang sama-sama nang card na pantransportasyon sa Bay Area. Gamitin ang inyong Clipper card sa lahat ng pangunahing sistema ng transportasyon sa Bay Area, kasama na ang Muni. Alamin pa ang tungkol dito.
Clipper® App sa Iyong Telepono: Ang Clipper ang sama-sama nang card na pantransportasyon sa Bay Area. Gamitin ang inyong Clipper card sa lahat ng pangunahing sistema ng transportasyon sa Bay Area, kasama na ang Muni. Alamin pa ang tungkol dito.
Cash: Puwedeng bayaran ang pamasahe sa lahat ng bus o tren (surface transportation) gamit ang anumang barya ng U.S.; kailangang eksakto ang bayad. Alamin pa ang tungkol dito.
LIBRE na ang mga batang edad 4 at pababa!
Mga paparating na pagbabago sa pamasahe
Simula sa Martes, Pebrero 23, ang Muni at Paratransit ay libre para sa mga naglalakbay upang mabakunahan para sa COVID-19. Kasama rito ang mga paglalakbay sa parehong direksyon. Nagbibigay din ang SFMTA ng karagdagang pag-access sa serbisyo sa taxi para sa mga gumagamit ng Essential Trip Card. Mangyaring ihanda ang kumpirmasyon ng iyong tipanan sa bakuna o mga tagubilin sakaling humiling ang kawani ng SFMTA na makita ang iyong patunay ng pagbabayad.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring basahin ang aming kamakailang post sa blog.